TILA nagpahaging na ang Malakanyang sa posibilidad na sibakin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kontrobersyal na si ERC Chairman Zenaida Ducut dahil sa ginawa nitong pagkatig sa kahilingan ng Meralco na taasan ang singil sa kuryente sa kanilang consumers.
Sa halip na sagutin nang diretso ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. ang usapin na kapwa sinabi nina Akbayan partylist (Representative) Walden Bello at Samar Representative Ben Evardone na hindi malayong sibakin na nga sa puwesto ni Pangulong Aquino si Ducut ay sinabi na lamang nito na wala namang pinagtatalunan ukol sa batayang prinsipyo.
“Ano po ang batayang prinsipyo? Ayaw po natin ‘yung hindi makatwiran at mapagsamantalang mga hakbang na nagdudulot ng pasanin sa ating mga kababayan. Kaya ang hinahangad natin ay matukoy ‘yung mga sanhi ng naging suliranin na ‘yan kaya nga sinasabi ng ating Pangulo na may tatlong aspeto hinggil diyan,” ani Sec. Coloma.
Idinagdag pa nito na nakabitin ang preparation at contingency planning dahil ang naganap na pag-shutdown ng Malampaya aniya ay alam ng lahat ng mga industry player kaya ang pakiusap niya ay dapat paghandaan ay pinaghandaan.
Samantala, malabo namang magkaroon ng malawakang brownouts dahil tinitiyak naman ng pamahalaan na may sapat na suplay ng kuryente ang bansa.
The post ERC Chair Ducut, posibleng sibakin ni PNoy appeared first on Remate.