Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbabawal sa riding-in-tandem suportado ng Malakanyang

$
0
0

SUPORTADO ng Malakanyang ang panukalang ipagbawal ang magkaangkas sa motorsiklo kung makatutulong na masawata ang tumitinding kriminalidad sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa ngayon ay kailangan muna nilang makita ang pagsulong ng inisyatiba sa usaping ito.

“Batid natin na ang pangkaraniwang modus na ginagamit, lalo na sa mga walang habas na pagpapaslang, ay ‘yung paggamit ng motorsiklo ng mga assailant na riding-in-tandem. Kaya po tinututukang maigi ‘yan ng ating mga awtoridad at umaasa po tayo na kung magkakaroon ng mas mahigpit na batas, maaari ring maisulong ‘yung minimithi nating pagbaba ng krimen,” ayon sa opisyal.

Nauna rito, sinabi na ni Manila Mayor Joseph Estrada na kanyang ipagbabawal ang riding-in-tandem sa Maynila.

Pinagbatayan nito ang 150 katao na nabiktima ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Subalit, para naman sa kritiko ng alkalde ay malabong masugpo ang kriminalidad sa Maynila kung ang pagtutuunan lamang ng pansin nito ay ang riding-in-tandem.

The post Pagbabawal sa riding-in-tandem suportado ng Malakanyang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>