INALERTO ng Department of Public Works and Highways National Capital Region ang lahat ng concerned District Engineering Offices (DEOs) upang ipatupad ang pinakahuling authority mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatuloy ng concrete re-blocking at road repair activities sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue na sasaklaw sa limang road sections sa Mandaluyong, Quezon and Caloocan City, mula alas 10 ng gabi noong Biyernes hanggang alas –5 ng madaling araw ng Lunes, January 27, 2014.
Sa Mandaluyong, pinauuna na ng DPWH ang babala sa posibleng pagbagal ng trapiko dahil sa nakatakdang paggawa sa pagitan ng Reliance and Libertad Street (northbound).
Asahan na rin ang lane reduction sa kahabaan ng Sgt. Rivera Street – sa pagitan ng A. Bonifacio Avenue and Obudan Street (eastbound, 2nd lane); sa pagitan ng Main Avenue and P. Tuazon (1st lane, northbound) at sa C.P. Garcia Avenue – sa gitna ng E. Jacinto at Maigting Streets (patungong University Ave, 2nd lane mula sa sidewalk) – lahat ay sa Quezon City; at sa northbound land (lane 4) sa pagitan ng Malvar at General Tinio Streets sa Kallokan dahil kasama ang mga kalsadang nabanggit sa concrete re-blocking plan.
Inatasan ni NCR Director Tagudando ang mga District Engineers na masusing bantayan ang pagtupad ng mga kontraktos sa kautusan ni Kalihim Rogelio L. Singson ujol sa public safety sa pamamagitan ng paglalagay ng nararapat na warning signs at mga harang upang maiwasan ang aksidente, lalo na sa gabi.
Muli ang pakiusap ng DPWH sa publiko ng paglalaan ng mas mahabang panahon sa pagbyahe, dahil na rin sa inaasahang pagbagal ng trapiko na dulot ng mga nasabing road repairs.
Inaasahan na ang bagong concrete pavement ay magreresulta ng mas matibay at mahabang road performance – na ang dulot ay mas mahabang ginhawa kumpara sa pansamantalang abala habang ito ay ginagawa. Ang mga paggawa ay itinataon din ng weekend, kung kelan mas kokonti ang manlalakbay sa panahong ito.
The post DPWH nag-alerto sa balik reblocking sa EDSA appeared first on Remate.