NASELYUHAN na rin sa wakas ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ika-apat at huling annex sa ginanap na 43rd Exploratory Talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Iniulat ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda mula sa Malaysia ba pinagtibay na ng magkabilang panig ang annex on normalization at addendum to Bangsamoro waters.
Itinuturing ito ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na regalo sa mamamayan dahil makakamit na rin ang kapayaan sa Mindanao.
“Today the GPH and the MILF jointly signed the Annex on Normalization, the last of the four Annexes to the GPH-MILF Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB), which was completed on 15 October 2012. This paves the way for the signing of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). This is indeed a long-awaited moment that is a gift to our people at the start of a new year of renewed hope and commitment,” ani Delesa.
Nauna nang pinagtibay ang usapin sa transition modality, wealth sharing, power sharing at ang huli nga ay ang normalization annex.
Ang normalization annex ang magdedetalye sa proseso kung papaano mamumuhay ng payapa ang MILF members matapos ang armadong pakikibaka.
Bukod sa pirmahan sa Malaysia kasama ng third party facilitator, magkakaroon din ng pirmahan dito sa Pilipinas kaugnay sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro na nakapaloob na ang buong kasunduan.
Bago malagdaan ang Final Peace Agreement ay saka isusulong naman sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law na aaprubahan ng Pangulong Noynoy Aquino para maging urgent bill.
Tatapusin sa Abril ng Bangsamoro Transition Commission ang Bangsamoro Basic Law bago isumite sa Pangulong Aquino na kapag lumusot sa Kongreso ay isusunod naman ang plebisito at ang ganap na pagkakatatag sa Bangsamoro kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
The post Final annex sa Bangsamoro Framework Agreement selyado na appeared first on Remate.