KAPIT-TUKO at hindi magbibitiw sa pwesto ang pinuno ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Zenaida Ducut sa gitna ng mga akusasyon sa kanya.
Sa report, idinahilan ni Ducut na wala siyang balak na abandonahin ang kanyang posisyon.
Matatandaang mismong si Presidential Communications Secretary Coloma ang nagsabing isa ang voluntary resignation sa mga opsyon ni Ducut.
Ani Coloma, may fixed term si Ducut at hindi nila ito pwedeng tanggalin.
Gayunman, ipinasok na ang reklamo sa Office of the Ombudsman (OMB) at hintayin na lamang ang ‘due process’ dito.
Personal namang tinututukan ni Pres. Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III ang kaso ukol sa sabwatang nagresulta sa taas-singil sa kuryente.
The post Ducut kapit-tuko sa puwesto appeared first on Remate.