KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na bukas na (Enero 26) ang recruitment para sa mga non-uniformed personnel (NUP) na kukunin bilang kapalit ng mga pulis, na nakatakdang i-deploy sa mga lansangan upang mapanatili ang peace and order at magagamit sila sa pagpapatupad ng law enforcement.
Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Wilben Mayor, lahat ng mga interesadong sibilyan ay pwedeng makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Samantala, nitong first quarter ng taon nakatakda nang ipatupad ng PNP ang kanilang bagong uniporme na isang GOA at isang Patrol uniform.
Sinabi ni Mayor, ang pagpalit ng uniporme ng PNP ay bahagi ng programa ni PNP chief Director General Alan Purisima na mapag-ibayo pa ang serbisyo ng mga pulis sa publiko.
The post Recruitment para sa PNP civilian employee, bukas na appeared first on Remate.