SWAK sa kulungan ang tatlong kalalakihan na tangkang gawing pulutan ang alagang usa ni dating Governor Chavit Singson sa Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur nitong Biyernes ng gabi.
Nahaharap sa kasong theft at nakakulong na sa PNP-Vigan detention cell ang mga suspek na sina Freedom Castaneda, 24; Jaymie Tacas, 24; at Rasty Barcena, 18; pawang ng Barangay Bulala, naturang syudad.
Ayon sa ulat, isang menor-de-edad ang nakabuko na pinalo ng mga suspek hanggang sa nawalan ng malay ang naturang hayop.
Binuhat ng tatlo ang usa palabas sa Baluarte ni Singson mula sa kulungan nito ngunit agad ding ibinalik matapos may nakakita sa kanilang ginawa.
Sumuko naman agad ang tatlong salarin kina City Councilor Tante Benzon at Bulala Brgy. Captain Arrojo.
Ang Baluarte ng pamilya Singson ay tourist destination sa Ilocos Sur na may makikitang iba’t ibang klase ng hayop.
The post Usa ni Chavit tinangkang pulutanin, 3 tiklo appeared first on Remate.