BUKAS ang Malakanyang na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa.
Subalit, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma. Jr. na kakailanganin ang malawakang konsultasyon sa usaping ito dahil na rin sa mangangailangan ng pagbabago ng batas, malalim at malawak na implikasyon at nangangailangan ng pag-alam sa saloobin ng mga mamamayan.
Sa ngayon aniya ay umiiral ang “no capital punishment” sa bansa.
“Sa aking palagay, kinakailangan niyong malaman ang saloobin ng iba’t ibang mga sektor na pwedeng maging batayan ng ating mga mambabatas. Hindi pa ‘yan tinatalakay ng Pangulo at ng Gabinete,” anito.
Sa ngayon ay hindi masabi ni Sec. Coloma kung susuportahan ni Pangulong Aquino ang bagay na ito.
Tinuran ng opisyal na hindi pa kasi tinatalakay ang usapin ng death penalty sa kahit na anumang pulong sa Malakanyang.
The post Pagbuhay sa death penalty, oks sa Malakanyang appeared first on Remate.