NADAKIP na ang team leader ng mga barangay tanod na pumatay sa kanyang ka-live-in na biyudang negosyante sa Caloocan City, Martes ng hapon, Enero 21.
Bibigyan naman ng pabuya at pagkilala ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pulis na nakadakip kay Jesus Aguirre, 45 ng Rubyville Subd., Sta. Quiteria na si SPO3 Ulysis Bobis ng Sub-Station 1 ng Caloocan City Police Station.
Base sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, nagtatalo ang suspek at biktimang si Julia Bobis, 61 malapit sa tinutuluyan bahay ng huli sa Libis Baesa ng lungsod.
Nagbunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang ka-live-in kung saan nahagip ng ligaw na bala sa kanang paa ang manikuristang si Anna Castillano, 40, kalugar ng nasawi na kumakain sa katabing karenderya.
Hindi na umabot sa Valenzuela General Hospital si Bobis habang ginagamot naman sa Caloocan Medical Center si Castillano kung saan tumakas ang suspek.
Sa follow-up operation ay nadakip si Aguirre ni Bobis sa Manotok Subd., Urduja ng lungsod dakong alas-12 kaninang tanghali at nang iharap kay Malapitan ay inamin ng suspek ang nagawang kasalanan.
Nangako naman si Malapitan na bibigyan din ng pabuya at pagkilala ang mga pulis ng lungsod na makakaresulba agad ng mga krimen.
The post Umutas sa negosyanteng ka-live-in, nadakip na appeared first on Remate.