DINALAW ni Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Ito ay upang ipakita ang kanyang awa sa dating Pangulo na aniya’y “fighting for her life.”
Sinabi ni Ginang Marcos, 84, balo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na panahon na upang mapayagan si GMA na makapagpagamot para sa kanyang karamdaman na “degenerative bone disease” na nakaaapekto sa kanyang gulugod.
Ayon kay Bebot Diaz, chief of staff ni Mrs. Marcos, lalong naawa ang kanyang boss sa delikadong kalagayan ni GMA.
“Nagkamustahan sila. Kinamusta ni Mrs. Marcos ang kalagayan ng kalusugan ng dating Pangulo. Few minutes after three in the afternoon kami dumating,” sinabi ni Diaz.
Dala ni Mrs. Marcos sa kanyang pagdalaw sa VMMC ang dalawang dosenang roses at wine.
Bukod kay Mrs. Marcos ay una na ring dumalaw kay GMA sina retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada, dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Vice President Noli de Castro at si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement.
The post Congresswoman Marcos dumalaw na rin kay GMA appeared first on Remate.