Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kagawad patay sa pamamaslang ng tandem sa Pasay

$
0
0

PATAY ang isang barangay kagawad nang barilin nang malapitan sa ulo ng isa sa armadong “riding-in-tandem” kagabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Carlito Clariza, 54, kagawad ng Barangay 184 Zone 19 Maricaban, sanhi ng isang tama ng bala sa kanang sentido na tumagos sa kaliwang bahagi ng ulo nito.

Agad namang nakatakas ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo makaraan ang pamamaslang.

Sa ulat na isinumite ni Homicide investigator SPO3, Allan Valdez kay Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, nakatayo at nanonood ng karera ng kabayo sa harapan ng isang off track betting station sa kanto ng Saint Peter at Saint Francis St., ang biktima alas-6:45 ng gabi nang pumarada sa kanyang tagiliran ang isang motorsiklo, lulan ang dalawang lalaki.

Bumunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang kaangkas at kaagad na pinaputukan ng malapitan ang biktima na kaagad na duguang nahandusay sa lansangan.

Nakapagresponde naman kaagad ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 sa pangunguna ni Senior Insp. Vicente Barrameda at kaagad silang nagsagawa ng follow-up operation subalit bigong madakip ang mga suspek na tumakas patungong Andrew Avenue.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa naturang pamamaslang habang isasailalim naman sa ballistic examination sa PNP Crime Laboratory ang isang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

The post Kagawad patay sa pamamaslang ng tandem sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>