Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Katiwala ng junkshop patay sa mga holdaper

$
0
0

PATAY ang 35-anyos na katiwala sa isang junk shop nang pagpapaluin ng maso sa ulo ng mga hindi kilalang holdaper na nanloob sa naturang establisimyento kaninang umaga sa Parañaque City.

Naisugod pa ni Leon Fuente, may-ari ng Jesm Junk Shop sa Dr. Santos Avenue, Brgy. BF Homes ang biktimang si Alberto Roldan, nakatira sa 43 Upper Sucat, Muntinlupa City sa Medical Center Parañaque subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng matinding pinsala sa ulo dulot ng mga palo ng maso.

Sa imbestigasyon, alas-8 ng umaga nang pumasok ang mga hindi pa kilalang kawatan sa naturang junk shop at kaagad na pinagpapalo ng maso sa ulo ang biktima bago sinamsam ang hindi pa batid na halaga ng salapi na nakalagay sa drawer.

Inaalam pa ng pulisya kung inside job ang nangyaring pagnanakaw bagama’t may hinala ang mga imbestigador na kakilala ng biktima ang mga salarin dahil siniguro ng mga ito na mamamatay ang biktima upang hindi sila maituro.

Iniutos na ni Parañaque police chief Senior Supt. Ariel Andrade sa mga imbestigador na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at sa may-ari ng mga kalapit na establisimyento na posibleng may ikinabit na CCTV camera upang makilala at madakip ang mga salarin.

The post Katiwala ng junkshop patay sa mga holdaper appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>