Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga ayaw nang manigarilyo tutulungan ng gobyerno

$
0
0

MAAARING magtungo sa cessation clinics ng gobyerno ang mga taong nais nang tumigil sa paninigarilyo upang matulungan silang tuluyang maiwasan ang naturang bisyo.

Ayon kay Department of Health (DoH) Secretary Enrique Ona, walang ibang epektibong paraan upang maiwasan ang mga tobacco-related deaths kundi ang pagtigil sa paninigarilyo.

Paliwanag ni Ona, dahil sa pagiging addictive sa tobacco products ay kinakailangan ng smokers ng todong suporta upang tuluyang talikuran ang naturang bisyo.

Sa kasalukuyan aniya ay isa hanggang tatlong porsiyento lamang ng cigarette smokers ang nagtatagumpay na magkaroon ng lasting abstinence, sa pamamagitan lamang ng kanilang willpower.

Aniya pa, ang mga smoking cessation clinic ay makatutulong at nagbibigay ng suporta sa smokers na nais nang tumigil sa bisyo at nakararanas ng labis na pressure sa paggawa nito.

Sa Metro Manila, ang smoking cessation clinics ng pamahalaan ay matatagpuan sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City, Amang Rodriguez Memorial Hospital sa Marikina, Rizal Medical Center sa Pasig City, San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital sa Malabon City, Philippine General Hospital sa Maynila, Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, National Children’s Hospital, St. Lukes Medical Center at sa Quirino Memorial Medical Center.

“Evidence has shown that cessation is the only intervention with the potential to reduce tobacco-related deaths and should therefore be a part of an overall comprehensive tobacco control policy of any country,” anang Kalihim.

“Government intervention for smoking are in place, we have enough health workers and health professionals to help,” aniya pa.

Iniulat pa ni Ona na sa mga kasalukuyang cigarette smokers, 60.6% ang nais nang tumigil sa bisyo o aabot sa may 10 milyong Pinoy.

Sinabi rin ng kalihim na batay sa dokumento ng World Health Organization noong 2003, hindi posibleng mabawasan ang mga tobacco-related death sa susunod na 30 hanggang 50 taon, maliban na lamang kung mahihikayat ang mga adult smoker na mag-quit na sa kanilang bisyo.

The post Mga ayaw nang manigarilyo tutulungan ng gobyerno appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>