Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pakikipag-usap sa 4 pang senador, inamin ni PNoy

$
0
0

TUMUGA si Pangulong Benigno Aquino III na nakipagkita siya sa apat pang senador sa magkakaibang-lugar para makipagpulong upang alamin kung paano pahupain ang matinding pressure na natanggap ng mga ito mula sa iba’t ibang sektor kaugnay sa pag-impeach kay dating SC Chief Justice Renato Corona, Jr.

Sa isang panayam matapos ang idinaos na 65th Anniversary of the Insurance Commission, sa Parking Lot, Insurance Commission, UN Ave., Ermita sa Maynila, inamin nito na nakipagkita siya kina Senador Bong Revilla, Jr., Jinggoy Estrada, Senator Teofisto “TG” Guingona III at Senator Ralph Gonzalez Recto para suportahan ang mga ito at pakalmahin sa matinding pressure na nararamdaman nila.

“We were trying to lessen the pressures on all of them,” ayon kay Pangulong Aquino sabay sabing “Well, normally, parang pababayaan mo na lang sana. Pero napakaraming mga reports na confirmed na napakarami raw—may sectors na ang bigat nu’ng pressure na ini-exert dito sa mga senador para i-decide ‘yung kaso hindi sa merito ‘nung kaso, ano. Parang ang daming sinasabi na ‘i-exonerate ninyo si Corona at ito ang mapapala ninyo.’ So tama ba naman na hindi—‘yun bang tatabi na lang ako habang lahat itong mga sektor na ito ay talagang nananakot, nagpi-pressure, kung ano-ano ang ginagawa doon sa mga senador?”

Palagay aniya ni Pangulong Aquino ay natural lang na itanong niya sa mga nasabing senador at kumpirmahin sa mga ito kung may natanggap ngang pressure mula sa iba’t ibang sektor.

Hangad lamang aniya na iparamdam sa mga senador na kailangang gawin ng mga ito ang tama at suportado niya ang mga ito.

Sa kabilang dako, wala naman siyang ideya kung may liham mula kay Senador Revilla na humihiling ng pulong sa kanya.

At dahil walang liham ay walang dapat na pag-usapan.

Sa pag-amin na ito ng Chief Executive ay binigyang katarungan lamang nito na hindi siya lusot sa impeachable offense dahil noong panahon na nakipagkita siya sa mga senador ay tumatayong senator-judge ang mga ito dahil mainit na pinag-uusapan at tinatalakay ang impeachment trial laban kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, Jr.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Aquino na handa siyang harapin ang impeachment complaint na posibleng isampa laban sa kanya.

Samantala, inaasahan na ni Pangulong Aquino ang pasabog ni Senador Revilla dahil kailangan nitong ihayag ang kanyang panig.

Tapos dumating aniya pa rin sa isang punto na parang hindi nadarama ni Pangulong Aquino ang suporta ni Senador Revilla sa lahat ng kanyang mga panukala.

The post Pakikipag-usap sa 4 pang senador, inamin ni PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>