WALA pa ring suplay ng P27/kilo na NFA rice sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ito ang napag-alaman ngayon makaraang tumaas ng piso ang bawat kilo ng bigas.
Lumalabas na nasa P32/kilo lang ng NFA rice ang mabibili sa pamilihan na pantapat sa P37/kilo ng commercial rice.
Agad namang sinabi ngayon ng DA na nasa mga pier na ang bigas at dadalhin na sa mga tindahan.
Nagtaas ang presyo ng bawat kilo ng bigas dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito sa merkado.
The post Mga palengke sa MM wala pang P27/kilo na NFA rice appeared first on Remate.