ISINISI ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang tangkang pagtataas ng Manila Electric Co. (Meralco) sa singil sa kuryente sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Sa isinagawang oral argument sa Korte Suprema ngayong hapon, sinabi ni Colmenares na inabuso ng ERC ang kanilang kapangyarihan para manipulahin ang merkado at kakutsabahin ang mga planta para sabay-sabay na mag-shutdown.
Matatandaan na nagtaas ng P4.15/kilowatt hour sa singil sa kuryente ang Meralco noong Nobyembre 2013 na hinarang naman ng SC.
The post ERC sinisi sa power rate hike appeared first on Remate.