KANSELADO na ang 32 domestic flights ngayong araw pa-Mindanao dahil na rin sa sama ng panahon.
Sa ulat kaninang alas-3 ng hapon, 12 biyahe ng PAL at 18 sa Cebu Pacific at iba pa patungong Butuan City at Cagayan de Oro ang kinansela.
Ayon pa sa ulat, kahit naging LPA na ang bagyong Agaton ay patuloy naman ang sama ng panahon na dulot nito sa mga lalawigan sa Mindanao.
Samantala, kahit bumaba na ang tubig sa Agusan river ay kinansela pa rin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng klase sa paaralan.
Ito ay dahil lagpas pa rin sa critical level ang tubig kaya kritikal pa rin para sa mga residente.
The post 32 flights sa Mindanao kinansela appeared first on Remate.