Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Juvenile Justice System isasailalim na sa bicam

$
0
0

ISASALANG na sa bicameral conference committee ang panukalang mag-aamiyenda sa Philippine Juvenile Justice System.

Pangunahing layunin ng House Bill 6052 o “Strengthening the Juvenile Justice System in the Philippines Act” , na maibaba ang edad ng mga kabataan na nakagawa ng krimen with discernment.

Ito ay matapos italaga ng plenary para sa Bicam committee sina Pangasinan Rep. Marlyn Primicias, Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, Cebu Rep. Pablo Garcia, Tarlac Rep. Susan Yap, at Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez.

Sa amiyendang ito ay hindi kakasuhan ng criminal ang youthful offenders na may edad 12 hanggang 15 at sa halip ay ang may 15 taong gulang hanggang 18 ang maaari ng kasuhan.

Kung nasa pagitan ng 12 hanggang 15 ang edad na mapapatunayang guilty sa nagawang krimen ay direktang isasailalim sa kustodiya ng Department of Social Work and Development (DSWD).

Ngunit kapag bigo ang isang menor de edad na tumugon sa hinihingi ng DSWD o anumang kaukulang institusyon ay ibabalik sa korte ang kaso ng bata at hihintayin na umabot siya sa edad na 18 bago desisyunan sa alinmang parusang ipapataw sa kanya.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>