Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Hirit ng KBP ipinaubaya ng Malakanyang sa Comelec

$
0
0

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagtugon sa hirit ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na alisin ng komisyon ang polisiya na kailangan munang magpaalam sa kanila ang isang miyembro ng media bago pa kapanayamin ang isang kandidato na sasabak sa eleksyon.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bahala na ang komisyon na ipaunawa sa KBP at sa stakeholders ang posisyon ng Comelec pagdating sa pag-interview sa mga kandidato.

Sinabi pa rin ng opisyal na wala namang dapat na ipangamba ang mga miyembro ng media na maaaring nalabag na ang kanilang kalayaan gaya ng freedom of speech o freedom of expression o freedom of the press.

“I think, the COMELEC is perfectly cognizant of the fact that any rules that they promulgate in line of the elections should be respectful or should be mindful of the rights that are enshrined in the Constitution. Having said that, I understand that the COMELEC is also working with the stakeholders to hammer out any of the concerns or to fine-tune any of the concerns that the stakeholders have in particular. Meron po kasi silang mga ginagawang paglilinaw na hindi naman daw po kailangang humingi ng prior clearance para daw po magkaroon ng interview but, we’ll leave that up to the COMELEC to clarify,” anito.

Matatandaang bukod sa bagong airtime limit ng campaign ads, umalma rin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa probisyong nagsasabing dapat kumuha ng clearance o mag-abiso muna ang isang media station sa Comelec bago mag-interview ng isang kandidato.

Kumbinsido ang KBP isang paglabag ito sa Saligang Batas.

Ipinaubaya na rin ng Malakanyang sa mga botante ang pagdedesisyon sa naging pahayag ni UNA Spokesman JV Bautista na hindi maganda kung lahat ng miyembro ng Team PNoy ay mananalo  sa nalalapit na eleksyon.

Sa ulat, kapag nangyari ito ay posibleng puro yellow o dilaw  ang nasa Senado at magiging puppet Senate na ito.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>