AABOT na lamang sa 20 hanggang 30 minuto ang magiging biyahe ng mga motoristang magmumula sa Caloocan papuntang Maynila at vice versa. Ito ang pahayag ni MNTC head Rod Franco.
Ani Franco, malaking tulong sa mga motorista, biyahero at mga pasahero ng NLEX Metro Expressway Link Project na may habang 18 kilometro at napondohan ng P33 bilyon.
Mula sa dalawang oras ay magiging 30 minuto na lamang ang biyahe mula NLEX hanggang SLEX, kaya mababawasan ang trapik sa Metro Manila.
Nilagdaan na ng mga opisyal ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTDC), Manila North Tollways Corp. (MNTC) at ng Philippine National Construction Corporation (PNCC) ang naturang proyekto bilang senyales ng pagsisimula nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Franco na pag-uusapan din ng tanggapan at ng Toll Regulatory Board (TRB) ang halaga ng toll fee sa entry at exit point ng link project.
Bagama’t LTO Rules and Regulations pa rin ang ipatutupad na sistema sa trapiko sa proyektong ito ay maglalagay rin sila ng mga karagdagang camera at iba pang devices para madisiplina ang mga pasaway na driver.
Malaki ang maitutulong nito upang maiwasan ang mga aksidente sa naturang lansangan.
The post Biyaheng NLEX-SLEX 30 minuto na lang appeared first on Remate.