Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Riding-in-tandem ibabawal sa Maynila

$
0
0

PLANO ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ipagbawal ang “riding-in-tandem” sa nabatid na lungsod dahil na rin sa dumaraming kaso ng pamamaslang sa buong Metro Manila na kinasasangkutan ng mga magkaangkas sa isang motorsiklo.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, pag-aaralan nila kung magiging epektibo ang pagbabawal ng riding-in-tandem sa Maynila gayundin kung sasang-ayon ang mga motorista partikular na ang mga gumagamit ng motorsiklo sa araw-araw nilang pamumuhay.

Habang hindi pa ipinatutupad ang pagbabawal ng magkaangkas sa isang motorsiklo, mahigpit na inatasan ni Estrada ang lahat ng hepe ng mga istasyon ng pulisya sa Maynila na magsagawa ng “random checkpoints” sa kanilang nasasakupang lugar upang hindi makalusot ang masasamang elemento lalo na ang mga armadong riding-in-tandem.

Nagbabala rin si Estrada sa mga riding-in-tandem na gumagawa ng karahasan dahil tiniyak nito na nakatutok ang kapulisan laban sa kanila upang masugpo ang kanilang karumal-dumal na krimen.

Samantala, hindi pa man naipatutupad ang pagbabawal ng magkaangkas sa isang motorsiklo ay marami nang “riders” ang pumipiyok sa panukala ng alkalde.

Napag-alaman na ang ilang nagmo-motor ay kailangang mag-angkas lalo na ang mga naghahatid ng kanilang asawa, anak o sinomang mahal sa buhay dahil ang pagmo-motor ang isa sa pinakamabilis na transportasyon dahil sa kakayahan nitong makalusot sa mabigat na daloy ng trapiko.

The post Riding-in-tandem ibabawal sa Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan