MATAMIS na ngiti ang sagot ni Jodi Sta. Maria nang lumabas ang balitang annulled na ang kanilang kasal ni Pampi Lacson, anak ni Senator Ping Lacson.
Sa kasalukuyan ay masaya ang relasyon ni Jodi sa young actor-politician na si Jolo Revilla.
Kasabay ng balitang na-grant na raw ang annulment nina Jodi at Pampi ay ang balitang nagkaayos na sina Jodi at Iwa Moto.
Si Iwa naman ang karelasyon ngayon ni Pampi, kunsaan may isa na itong anak.
Ayon kay Iwa, nakakapag-usap na sila ni Jodi sa pamamagitan ng text message.
Kinumpirma naman ito ni Jodi sa Buzz Ng Bayan.
Sabi ng Kapamilya actress, “Mabuti naman.
“Nakakatuwa, atleast nag-end peacefully yung aming 2013.
“And siyempre, balak naman naming ipagpatuloy yun ng buong 2014, 2015, ganyan.
“Mas maganda talaga na mabuhay ng puno ng positivity ang ating mga buhay.”
The post Kasal nina Pampi at Jodi annulled na appeared first on Remate.