PINABORAN ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang pag-iimbestiga sa sobra-sobrang bonus ng mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporation (GOCC).
Suportado ni Belmonte na maimbestigahan ng Kamara ang isyung nagsulputan kaugnay ng perks ng mga nasa GOCCs matapos ipag-utos ng Commission on Audit (COA) na i-reimburse ang P2.3 billion na sinasabing unauthorized bonuses ng mga ito.
Binigyang diin pa ni Speaker na akala niya ay tapos na ang problema sa pag-abuso sa mga benepisyo ng mga nasa GOCC nang maitatag ang Governance Commission for GOCC dahil dapat may nagmo-monitor na sa benepisyo ng mga nasa ahensiyang ito.
Subalit, lumalabas na marami pa ring dapat malinawan sa usaping ito lalong-lalo na ang guidelines sa pagbibigay ng bonus ng GOCCs at pati ang panuntunan ng COA.
Giit pa ni Belmonte na dapat aniyang maipaliwanag ng COA kung ano ang batas o panuntunan ang pinagbasehan ng COA para sabihing unauthorized ang bonuses ng 31 GOCC at ano ang basehan naman ng mga GOCC para ibigay ang mga perks na ito.
The post Belmonte pabor sa imbestigasyon sa GOCC perks appeared first on Remate.