SA halip na pera, mga taga ang ibinayad sa lalaki ng kanyang pinautang sa Valenzuela City, Linggo ng hapon, Enero 19.
Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng taga sa kaliwang braso at kaliwang dibdib si Amado Quitorio, 34, ng Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon, nasabing lungsod.
Nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na Kalbo at kalugar ng biktima.
Sa ulat, alas-2:30 ng hapon, kinatok ng biktima ang bahay ng suspek upang singilin sa utang na P2,500 at nang buksan ay umakyat sa bahay si Kalbo subalit makalipas ang ilang sandali ay muling hinarap ang una na may dalang bolo.
Pinagtataga ang biktima na nagawang makatakbo at madala sa VGH habang nakatakas naman ang suspek.
The post Lalaki binayaran ng mga taga sa siningil na pautang appeared first on Remate.