Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

CBCP nagpasalamat ng PNoy

$
0
0

NAGPASALAMAT sa Pangulong Benigno Aquino III  ang dating presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Cebu Archbishop Jose Palma dahil sa isinagawang “national day of prayer and solidarity” ngayon.

Ayon kay Palma, sa pamamagitan ng ecumenical prayer ay naipahayag ng Filipino ang pasasalamat sa lahat ng mga biyaya na natanggap sa Diyos sa kabila ng mga krisis na naranasan sa bansa.

Itinuturing din ng arsobispo Palma na isang pagkakataon ang national day of prayer para sa mga Filipino na hilingin ang biyaya at pagpapala ng Diyos sa bansa.

“Ako po ay natutuwa na mayroong day of prayer at dapat po talaga tayo na tumawag sa Panginoon dahil Siya po ang makapangyarihan sa lahat. Natuwa tayo po tayo na iba-ibang faith ang nagsama-sama kasama ang ating (Manila Archbishop Luis Antonio) Cardinal Tagle.  Dalhin po natin sa isang damdamin pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya na natanggap natin, we know that we need so many graces and blessings,” ani Palma.

“Alam po natin yung nangyari sa nakaraan mga buwan because of earthquake and typhoon and the many signs of quarrels and iba-iba pong gulo sa ating buhay, we lift up to God our needs lalo na ngayon na for the reconstructions and rehabilitation ng mga nasalanta ng lindol at bagyo. Sana po we remain steadfast in our faith in the lord,” aniya pa.

Umaapela rin ang arsobispo bukod sa pananalangin, ang patuloy na pagninilay sa buhay ng bawat Filipino at ng mga namamahala sa bansa.

Samantala, iginiit naman ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Fr.Anton Pascual na napapanahon ang pagkakaisa ng iba’t-ibang relihiyon para pasalamatan ang Panginoon sa mga ipinagkaloob na biyaya at muling pagbangon mula sa iba’t ibang kalamidad sa bansa.

Naunang umapela ang pamahalaan sa pakikiisa ng lahat sa One Nation in Prayer o Isang Bansa, Isang Panalangin sa mga tahanan, komunidad at maging sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

The post CBCP nagpasalamat ng PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>