UMABOT sa 3 hanggang 4 milyong deboto ng Sto. Niño ang dumagsa sa Sinulog Festival sa Cebu City kanina.
Wala pa namang naitala ang Philippine National Police (PNP) na malaking aberya o aksidente.
Kanina nang sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng misa ni Cebu Archbishop Jose Palma sa Basílica Minore del Santo Niño.
Ganap na alas-9:00 ng umaga kanina naman nang umarangkada ang taunang Sinulog Grand Parade na pinangunahan nina Cebu City Mayor Michael Rama at Vice President Jejomar Binay.
Umaabot naman sa 35 dancing contingents ang nagpakitang gilas kabilang ang pagbida ng mga float, puppeteers at higantes.
The post 3M deboto ni Sto. Niño dumagsa sa Sinulog Festival appeared first on Remate.