Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ai-Ai delas Alas ayaw tawaging diborsiyada

$
0
0

SINO bang babae ang gustong tawaging diborsiyada?

Ito ang inamin ni Ai-Ai dela Alas sa pinal nang diborsiyo sa kanyang mister na si Jed Salang.

Ayon sa Comedy Concert Queen, sa kanyang father-in-law niya nabalitaan ang balitang divorced na sila ni Jed.

“Tinext ako ng father-in-law ko na okey na, nasa website na ng Las Vegas County. So, ‘ayun approved na yung decree ng divorce.”

“Mixed emotions ang nararamdaman ko nun siyempre. Masaya ako, kasi ito na yung closure nung pag-aasawa ko. Pero siyempre may certain sadness dun sa puso ko. Wala namang babaeng gustong diborsyada siya, hiwalay. Siyempre, lahat ng babaeng nag-asawa, ang goal niyan e matagal ang magiging mag-asawa nila, matagal yung magiging pagsasama nila.”

“But in my case siyempre, yung aking desisyon ko naman na ayoko na, hindi ko na kaya.”

Nilinaw na rin ni Ai-Ai na si Jed ang nag-file ng divorce dahil ito ang American citizen, pero kapalit noon ay ang pagtapos niya sa kasong isinampa niya laban dito maging ang Permanent Protection Order (PPO) na iginawad sa kanya ng korte.

Inamin din ni Ai-Ai na hindi na niya kayang makipagkaibigan kay Jed.

The post Ai-Ai delas Alas ayaw tawaging diborsiyada appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>