MATIRA ang matibay at mas sikat ang aangat!
Ito ang inaabangan sa pagsasalpukan ng dating reyna ng GMA-7 at ngayon ay
nangungunang aktres ng network na sina Angel Locsin at Marian Rivera.
Simula sa Lunes, Enero 27 ay sabay na ipalalabas ang pagbibidahang teleserye ng dalawa.
Si Marian sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw sa GMA-7 habang si Angel naman ang bida sa The Legal Wife ng ABS-CBN.
Pero nauna nang ipinaliwanag ni Marian na ayaw niyang ituring na kakompetensiya si Angel.
Ani Marian, hindi sila ni Angel ang magkakompetensiya kundi ang kani-kanilang network lang.
“Ako, para sa akin, wala akong kakumpitensiya. Basta ako, gagawin ko yung trabaho ko, masaya ako sa Carmela. At yun ang mahalaga para sa akin.”
Nang tanungin naman kung kinakabahan siya para sa una niyang primetim series, pagkatapos ng siyam na buwan, ani Marian na excited siya at walang takot.
Ayaw naman patulan ni Marian ang sulsol na kaya ayaw niyang ituring na kakompetensiya si Angel dahil mas malaki ang network nito at mas maganda ang signal ng ABS-CBN hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga malalayong lalwigan.
Ayon sa ilang malapit kay Marian, sikat din naman ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Vietnam at Cambodia.
Dinagdagan pa ito ng direktor ng Carmela na si Dominic Zapata na “number one star” si Marian sa Vietnam at Cambodia.
Dahil sa sinabi ng direktor ay napa-wow naman ang aktres.
“Siyempre, nagiging posible ang mga bagay-bagay na ‘to dahil sa GMA.
“Dahil sila yung nagdi-distribute sa iba-ibang bansa para mapanood ako.”
“Tapos, may nalaman ako na ipinapalabas daw naman ngayon ang Endless Love sa Africa.”
The post Marian Rivera ‘di ka-level si Angel Locsin appeared first on Remate.