TINAWAG ng Akbayan bilang “tragedy for the global working class” ang hostage taking na naganap sa In Amenas gas refinery sa Algeria.
Binigyang diin ito ni Akbayan Rep.Walden Bello sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa nasabing hostage taking na umabot na sa 67 kung saan karamihan ditto ay mga dayuhan at Algerian workers.
“We join the international community in expressing our deep condolences for the families of the victims of this violence.
“Nine out of 38 workers who died were Filipinos. This is a quarter of all the victims,” ani Bello.
Bukod sa pagkondena sa hostage-taking ay pinuna rin ni Bello ang marahas na aksyon ng Algerian government nang hindi man lamang komunsulta sa mga dayuhan.
Sa madugong pagsalakay ng gobyerno ay nahayag ayon sa kongresista na minabuti ng military na tapusin ang mga hostage takers kaysa iligtas ang mga bihag.
“To make a political point, both sides sacrificed the hostages. This is unacceptable. The Department of Foreign Affairs (DFA) should make that clear to the Algerian government,” giit ni Bello.
Kasabay nito ay nanawagan si Bello sa administrasyong Aquino na bilisan ang pagbibigay tulong sa pamilya ng mga biktimang OFW.
“We regret that migrant workers became casualties of this tragedy. We grieve for those who have perished, their passing emphasizes the sacrifices that migrant workers undergo in order to provide a better future for their families,” ani Bello.