HIHILINGIN ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) sa Supreme Court na maglabas ng temporary restraining order (TRO) na nag-aalis sa umiiral na election gun ban.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, kanila nang isinasapinal ang mga dokumento na kakailangan sa kanilang petisyon.
Sinabi ni Jimenez na ang gun ban ay unconstitutional dahil nasasagasaan nito ang karapatan ng ordinaryong mamamayan na proteksyunan ang kanilang mga sarili laban sa kriminalidad.
Giit ni Jimenez, hindi makatarungan na ilang mataaas na opisyal ng gobyerno, president at vice president lamang ang tanging binibigyan ng prayoridad na mapagkalooban ng permit para ma-exempt sa gun ban, dahil ang mga ito ay overprotected na ng kanilang security details.
Maging ang mga pulis aniya ay nahihigitan na ng mga kriminal kaya marapat lamang na makapagdala ng baril ang mga awtorisadong force multiplier at responsible gun owners para sa kanilang proteksyon.