SINABI ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares na walang nangyaring ‘compromise agreement’ sa kanilang pag-uusap ni dating eight division world champion Manny Pacquiao.
Nag-usap sina Heranes at Pacquiao sa tulong ng isang politiko noong Disyembre matapos maglabas ng gag order ang korte kaugnay sa kinakaharap na problema sa buwis ng boksingero.
Ayon kay Heranes, humingi ng paumanhin si Pacman sa kanilang naging bangayan dahil sa P2.2 billion na buwis na hinahabol ng BIR sa kanya.
Sinabi ng BIR chief, binigyan niya si Pacman ng opsyon kung papaano babayaran ang kanyang pagkakautang sa ahensiya.
Una rito, nagbayad na ng P32 million si Pacman sa kanyang pagkakautang sa BIR sa value added tax.
The post Pacman nag-sorry kay Henares, P32-M buwis binayaran appeared first on Remate.