PATULOY ang ginagawang rigodon ni Pangulong Benigno Aquino sa ilang ahensiya ng pamahalaan.
Sa katunayan ay nasungkit ni Mr. Lauro Vizconde ang pagiging miyembro ng Board of Directors ng IBC-13 (Intercontinental Broadcasting Corporation) kasama si Jaime Alanis kapalit ni Eric Canoy; habang nananatili naman sina Jose Avellana, Jr.; Mr. Manolito Cruz; Ernesto Maipid, Jr.; Reynaldo Castro; Jose Rafael S. Hernandez; Mr. Diosdado Marasigan; at Arturo Alejandrino kapalit ni Ronald “Ronnie” Ricketts sa kani-kanilang mga puwesto.
Muli namang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa bagong termino ang mga Board of Directors ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation na kinabibilangan ng kanilang chairman na si Cristino Naguiat, Jr.; saka sina Jorge Sarmiento; Eugene Manalastas; Enriquito Nuguid at Jose Tanjuatco.
Sa kabilang dako, inilagay naman sa Board of Directors ng PNOC Renewables Corporation si Ginoong Rafael M. Iriarte; habang inilagay naman sa Tourism Enterprises, Board of Directors of the Tourism Promotions Board, si Edwin Vincent Ortiz.
Nakopo naman ni Ricardo Lapesura Jr. ang pagiging miyembro at kinatawan ng labor sector sa Tripartite Voluntary Arbitration Advisory Council sa National Conciliation and Mediation Board ng DOLE.
The post Lauro Vizconde, director ng IBC-13 appeared first on Remate.