NAPATAY ng mga pulis ang isang holdaper nang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga umaarestong pulis matapos ang isinagawang panghoholdap sa isang hardware sa Purok 7, Bulano, Tabuk, Kalinga.
Kinilala ang suspek na si Mark Bigkas, alyas Big Boy.
Kaugnay nito, nagawang makatakas ang dalawang kasama nito na nagsilbing lookout habang isinasagawa ang panghoholdap.
Ayon sa imbestigasyon ng Tabuk Municipal Police Station (TMPS), pumasok si Bigkas sa nasabing hardware at nagdeklara ng holdap.
Batay sa ulat, nagsuot ng bonnet ang mga suspek dala ang baril na itinutok sa may-ari at idineklara ang panghoholdap.
Natangay ng mga kasamahan ni Bigkas ang humigit kumulang sa P80,000 collection mula sa hardware.
Una rito, agad nakapagresponde ang mga awtoridad at nakuha pang makipagbarilan ng suspek habang tumatakbo patungo sa isang ilog.
Dahil dito nakipagsabayan na rin ang mga pulis hanggang sa mapatay ang suspek.
The post Holdaper nakipagbarilan tigok sa mga pulis appeared first on Remate.