Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

90 PPM ANG TAMANG LEAD CONTENT

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongAYON kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J.P. Paje, nasa panganip ang mga manggagawa at konsyumer kapag sila’y laging nakalantad sa kemikal, gayundin sa negatibong impact sa kapaligiran.

“Ang Chemical Control Order (CCO) para sa lead and lead compounds ay may existing prohibitions ang iba pang ahensya ng pamahalaan na sumasakop sa paggamit ng lead and lead compounds sa iba’t ibang consumer products na lalong pinalalakas,” ayon pa kay Kalihim Paje.

Ang kautusan ay nakapaghanda rin para sa pamantayan ng content lead para sa locally produced paints na may 90 parts per million (PPM), gayundin sa timeframe, para sa mahigpit na implementasyon ng pamantayan, na magsisimula sa taong 2016 ukol sa paints na nauukol sa architectural, decorative, household applications, samantalang ang pintura para sa industrial applications ay magsisimula sa 2019.

“Ang dahilan sa paghahanda sa implementasyon sa phase para sa pintura ay upang hayaan ang ating paint industry na mag-iba at maging lead-free production. Mayroon na ngayong global action para sa pag-aalis ng lead sa paints, at tiyak na ang CCO ang magpapakita ng ating pagkakaisa sa mga tulad nilang may magandang simulain,” pagdiriin pa ni Kalihim Paje.

Idinagdag din ng DENR chief na ang mga bagong regulasyon tungkol sa lead ay matatagpuan sa Republic Act No. 6969, na kilala rin sa tawag na Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990, na nag-uukol sa transport and treatment of lead-containing waste prior to disposal.

Ang RA 6969 ay pinalabas ng pamahalaan bilang sagot sa Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their disposal.

The post 90 PPM ANG TAMANG LEAD CONTENT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>