Tacloban City – Hindi na nakayanan ng isang retiradong doktor ang kanyang sakit kung kaya nagawang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili.
Kinilala ang biktima na si Doctor Eduardo Joyo, 82, ng Maasin Southern Leyte.
Ayon sa imbestigasyon ng Maasin Police, nakarating sa tanggapan ni Police Senior Supt. Losanes, natagpuan ang nagpatiwakal na manggagamot sa kanilang kuwarto at hawak pa ito ang ginamit na hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Napag-alaman sa patuloy na imbestigasyon ng awtoridad na may matagal nang dinaranas na matinding sakit na tuberculosis ang nagpatiwakal kung kaya’t ito ang tinitingnang motibo ng mga pulis sa nasabing pagpapakamatay.
Si Joyo ay dating opisyal ng Department of Health ng Maasin City bilang Rural Health officer.
The post Retired doctor nagbaril sa sarili appeared first on Remate.