Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Taas-singil ng Meralco kinondena ng obispo

$
0
0

MARIING kinondena ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang taas-singil sa kuryente na nais ipataw ng Manila Electric Company (Meralco) sa kabila nang nararanasang labis na kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang naturang power rate hike ay  hindi makatarungan at “anti-Filipino.”

Nauna nang nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa staggered P4.15 per kilowatt-hour (kWh) rate increase na nais ipatupad ng Meralco, ngunit nagbanta naman ang huli na posibleng maging sanhi ito ng pagkakaroon ng rotational brownout.

Sinabi naman ni Pabillo na ang mga mahihirap lamang ang siyang magdurusa sa naturang power rate increase.

“Kung ang middle class nga mismo minamasama ang pagtaas na iyon, paano na lang kaya ang mga mahihirap? Lalo lang nitong pinahihirap ang mga mahihirap,” giit pa ni Pabillo, sa pahayag nito na nakapaskil sa CBCP website.

Lumitaw naman sa  pag-aaral ng IBON Foundation na sa nakalipas na anim na taon, ang Meralco ay nagkaroon ng 56.3 percent annual increase at ang profit nito noong 2008 ay tumaas ng higit sa anim na ulit.

Ayon pa sa IBON, mula sa reported net income na P2.6 billion noong nakaraang taon, nakapagtala ang power distributor ng record-high na profit na kabuuang P16.3 bilyon noong 2012.

Nito namang 2013, ang net income ng Meralco ay mahigit P17.5 bilyon, na pitong ulit namang mas mataas sa 2008 profits nito.

Nabatid na noong 2008, ang mga tahanang may monthly consumption na 200 kilowatt per hour (kWh) at pababa ay nagbabayad sa power giant ng P0.5729 distribution charge, na tumaas sa P1.2225 noong 2012, o 113.4 percent increase.

Binigyang-diin ng IBON na ang naturang figure ay nagpapakita lamang ng pagiging immoral ng malaking rate increase ng Meralco at tinuligsa ang banta nitong rotational brownout.

Sa panig naman ni Pabillo, sinabi nito na hindi dapat na ibunton lahat sa Meralco ang sisi dahil ito’y monopolya.  “Hindi lang basta Meralco ang puwede nating sisihin, gayong buong sistema naman talaga mismo ang may sira.”

Iginiit pa ni Pabillo na kailangan nang isulong ng pamahalaan ang common good at pangalagaan ang kagalingan ng bawat Pinoy, na labis na nagdurusa dahil ang Pilipinas ang may pinakamahal na kuryente sa buong Asya.

The post Taas-singil ng Meralco kinondena ng obispo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>