Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malinis na palengke pararangalan ng MMDA

$
0
0

IPINAHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pararangalan nila ang mapipili nilang pinakamalinis na palengke sa buong Metro Manila upang maengganyo ang bawat pampublikong pamilihan na panatilihin ang kalinisan sa kanilang lugar.

Ang naturang pahayag ay bahagi ng kanilang isinasagawang “Linis Palengke Program” kung saan ay pinasadahan nila ang Muntinlupa Public Market.

Nagtulong-tulong ang may 150 MMDA personnel mula sa Solid Waste Management Office, Metro Parkways Clearing Group, at Flood Control and Sewerage Management office upang maglinis, mag-alis ng mga bara sa kanal, magpintura at magsasaayos ng paligid ng naturang palengke.

Napag-alaman kay MMDA Chairman Francis Tolentino, na ikaapat na palengkeng pinasadahan ng kanilang ahensiya ang naturang pamilihan mula nang ilunsad ang programa noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Tolentino , hindi lamang kaayusan at kalinisan ng mga pampublikong pamilihan ang layon ng programang ito kundi para na rin sa kaligtasan ng mga mamimili.

The post Malinis na palengke pararangalan ng MMDA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>