Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Obispo sa mga magulang: ‘Gabayan ang inyong mga anak’

$
0
0

NANAWAGAN si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mga magulang na gabayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi maging kasangkapan sa cyber crime at child pornography.

Ayon kay Mallari, vice-chairman ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kung hindi nakatatanggap ang mga bata ng maayos na paggabay ng kanilang mga magulang, madaling maengganyo ang mga kabataan sa child pornography at child trafficking lalo na kung ito ang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Iginiit din ni Mallari na responsibilidad ng mga magulang ang kanilang mga anak at sila ang biniyayaan ng Panginoon upang mangalaga sa mga ito.

Hinimok din naman ni Mallari ang pamahalaan na bigyang-pansin ang naturang isyu ng child pornography at trafficking upang hindi mabiktima ang mga walang muwang na kabataan.

“…Kailangan ng tulong ng mga bata yung related especially dun sa child pornography pati yung child trafficking talagang vulnerable ang mga bata diyan eh, minsan madaling sumama lalong lalo na kung wala ngang matibay na relasyon sa pamilya yun madaling hikayatin lalong lalo na kung bibigyan ng materyal na bagay,” ani Mallari.

Naniniwala naman si Mallari na mahalaga ang gampanin ng pamahalaan upang masolusyunan at masugpo ang problema ng bansa sa pang-aabuso ng mga kabataan.

Ani Mallari, kailangang dagdagan ng pamahalaan ang pagkilos at paglutas sa problema lalo na sa pagpapalakas justice system upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng naturang krimen.

“Sana magtulong-tulong tayo umpisa sa tahanan and then sa gobyerno sana po bigyan natin ng mahalagang pansin ito kasi we might be losing our future, yun mga good citizens, kung hindi natin inaalagaan ngayon bata pa lamang sila,”apela ni Mallari.

Ayon sa End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes, nasa 100,000 bata ang biktima ng ganitong krimen.

Nauna rito, sinasabing nalansag ng British at Australian police kasama ang kanilang US counterpart ang Philippine pedophile ring na nagpapalabas ng live ng mga pang-abuso sa mga kabataan sa internet kung saan 15 menor-de-edad ang nailigtas sa Angeles City sa Pampanga.

The post Obispo sa mga magulang: ‘Gabayan ang inyong mga anak’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>