AGAD nagsilikas ang mga evacuees sa kani-kanilang mga tent nang umabot ng hanggang tuhod ang tubig-baha sa Tacloban City dahil pa rin sa walang humpay na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Nagbanta naman ang PAGASA na ang low-pressure area na nagdadala ng pag-ulan at landslides sa ilang parte ng Visayas at Mindanao ay nagbabadya ngayong tumama sa Eastern Visayas na nauna nang hinambalos ng bagyong Yolanda.
Sa 4 a,m, report ng PAGASA, nakita ang LPA 250 km sa timog-silangan ng Guiuan sa Eastern Samar.
“Kahit hindi bagyo ang weather system, magbibigay talaga yan ng pag-ulan,” ani PAGASA forecaster Fernando Cada.
Kapag tuluyang naging bagyo ang nasabing LPA ay tatawagin itong Agaton.
Samantala, sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa 31 ang patay sa pagbaha at landslides na dulot ng LPA.
The post LPA nagbabadya sa Yolanda-hit areas; patay sa baha 31 na appeared first on Remate.