NAKAHANDANG sumunod sa anumang desisyon ng Sandiganbayan ang pamilya Marcos kaugnay sa alahas ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Second District Rep. Imelda Marcos.
Ayon sa desisyon ng anti-graft court noong Lunes, ang mga alahas ng dating first lady ay itinuturing na ill-gotten kaya forfeited ang mga ito pabor sa gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, patuloy na iginigiit ng kanyang ina na ang mga naturang alahas ay hindi lahat binili ng dating first lady kundi karamihan ay regalo sa kanya ng head of states na naging kaibigan niya noong nanunungkulan pa ang kanyang yumaong asawa na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi ni Ginang Marcos na sa ngayon ay ginagawa naman ng kanilang mga abogado ang nararapat na hakbang.
Sa kabila nito, anuman ang magiging pinal na desisyun ng korte ay iyon pa rin ang dapat nilang sundin.
Ang tanging hinahangad ng mga Marcos ay magamit ang mga alahas sa tamang paraan.
Nauna rito ay nasabi ng dating first lady na ang ilan sa kanyang mga alahas ay nakikita niyang ginagamit na ng ilang tao.
The post Marcoses susunod sa desisyon ng Sandiganbayan appeared first on Remate.