NAGMISTULANG uling ang bangkay ng 70-anyos na lolo nang matagpuan sa loob ng silid ng kanyang bahay sa Laoac, Pangasinan.
Nakahiga pa sa kanyang kama ang biktima at tanging higaan lamang nito ang tinupok ng apoy.
Mismong ang mga kapitbahay nito ang umapula sa nasusunog na kama ng biktima matapos makita ang apoy sa loob ng silid.
Dahil sa kawalan ng linya ng kuryente sa bahay ng biktima tanging ang gasera na gamit nito ang nagsilbing ilaw sa loob na hinihinalang naging sanhi ng insidente.
Sa kabila nito ay tumanggi pang magbigay ng pahayag ang BFP Laoac sa pinagmulan ng sunog.
Nakatakda namang isailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima na napag-alamang nag-iisa na sa buhay nang maganap ang sunog.
The post Lolo natusta sa sunog sa Pangasinan appeared first on Remate.