ISTRANDED ang mahigit isang libong pasahero dahil sa masamang panahon o Low Pressure Area sa bahagi ng Bicol, Visayas at Mindanao.
Ayon sa kanilang Facebook page, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot na sa 1,086 ang stranded ngayon sa pantalan ng Bicol at Central Visayas district.
Ang nasabing mga pasahero ay galing sa Cebu, Dumaguete, Sorsogon at Camarines Sur.
The post Mahigit 1,000 pasahero istranded sa Bicol, Central Visayas appeared first on Remate.