NILINAW ng Pag-IBIG Fund ang ulat kaugnay sa atas ng Commission on Audit (COA) na ibalik ang P37-milyon mula sa 31 government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Ayon kay Pag-IBIG President at CEO, Attorney Darlene Berberabe, ang P37-milyon na subject ng COA report ay tumutukoy sa separation pay ng mga nagretirong empleyado ng Pag-IBIG noong 2012, bilang bahagi ng early retirement ng Pag-IBIG.
Iba ang matatanggap ng mga naturang empleyado mula sa GSIS kaya’t walang basehan ang atas ng COA sa mga GOCC.
Giit ng pinuno ng Pag-IBIG, ang matatanggap ng kanilang mga nagretirong empleyado mula sa GSIS ay retirement insurance benefits na binayaran gamit ang monthly premiums.
Paglilinaw pa ni Berberabe, ang nabanggit na report ng COA ay hindi tumutukoy sa bonus o incentive sa mga employee o officer gayundin ng mga board member.
Tiniyak naman ni Berberabe na tinatalakay na nila ang naturang issue.
The post Pag-IBIG Fund nilinaw ang ipinababalik na P37-M ng COA appeared first on Remate.