Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kongreso ang magsususpinde ng VAT sa kuryente

$
0
0

ANG Kongreso ang makapagsususpinde sa Value Added Tax (VAT) sa kuryente.

Kasunod nito, hinamon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas para maisakatuparan ang isinusulong na pagsuspinde ng Value Added Tax (VAT) sa singil sa kuryente.

Ayon kay BIR Commission Kim Henares, hindi pwedeng executive order lamang ang kailangan para suspendihin ang VAT sa kuryente sa halip ay kailangang amyendahan ang umiiral na batas.

Kahit pa suspension lamang ang mungkahi, hindi ito maaaring gawin ng BIR dahil nakasaad sa batas ang pangongolekta ng VAT sa kuryente.

Aminado ang BIR na malaking kawalan sa pamahalaan ang VAT sa kuryente sakaling masuspinde ito dahil nasa P30 billion ang kinikita nito bawat taon.

Nabatid na maraming mga senador ang nagsusulong ng suspension ng VAT sa kuryente sa harap ng mataas na singil nito dahil sa mga nagkaaberyang power plants.

The post Kongreso ang magsususpinde ng VAT sa kuryente appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>