BUMUO na ang Apayao Police Provincial Office ng special investigation task group (SITG) na bubusisi sa agarang paghuli sa mga suspek na responsable sa pagpatay kay Councilor Bienvenido Verzola III, bagong hirang na konsehal sa bayan.
Ayon kay Provincial Director Police S/Supt. Albertlito Garcia, pinag-aralan nila ngayon ang iba’t ibang anggulo sa krimen tulad ng politika at personal grudge.
Matatandaang namatay ang konsehal noong Enero 13 matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang nakatayo sa isang waiting shed sa nasabing lugar.
Napag-alamang ang konsehal ay anak ni Betty Verzola na naging municipal councilor sa bayan.
Una nang nahirang si Councilor Bienvenido Verzola III bilang municipal council member kamakailan lamang kasunod ng pagpanaw ng kanyang ina matapos masangkot sa malagim na aksidente, ilang linggo matapos siyang manumpa sa kanyang tungkulin noong nakaraang taon.
The post Task Force binuo sa pagpatay sa New Luna, Apayao councilor appeared first on Remate.