KINUMPIRMA ni City Agriculturist Merilyn Gappi ng lungsod ng Batac na ilang magsasaka na ang nagrereklamo dahil naapektuhan na ng frost bite ang kanilang tanim na bawang at mais.
Ayon kay Gappi, inirereklamo pa ng mga magsasaka na dahil sa madalas na malakas na hangin ay nasisira ang mga tanim nilang mais.
Paliwanag ng city agriculturist, dahil sa frost bite ay nasisira ang dahon ng mga bawang o nagiging luntian.
Sinabi niya na pinayuhan nila ang mga magsasaka na gumamit ng insektisidyu na pang-spray sa mga tanim nilang bawang upang maiwasang mamatay ang mga naturang tanim.
Ngunit sa pagkasira ng mga tanim na mais dahil sa malakas na hangin ay wala silang maibigay na solusyon.
The post Bawang, mais sa Ilocos Norte apektado na ng frost bite appeared first on Remate.