NAHARANG ng Zamboanga International Airport (ZIA) ang shabu na nakalagay sa karton ng kape na umaabot sa P300,000 matapos madiskubre nang idaan sa x-ray scan machine ng paliparan.
Lumalabas na nanggaling pa sa Maynila ang nasabing kargamento at ipapadala sana sa Jolo, Sulu ngayong araw.
Alas-8:00 ng umaga kanina nang mapansin sa x-ray scan machine ang paliparan na may lumalabas sa maitim na bahagi sa loob ng kahon ng forwarder kaya agad na isinailalim iyon sa manual inspection kaya nadiskubre ang mga shabu.
Ang nasabing kargamento ay nagmula kay Abdusahar Albi ng Gatchalian ng Las Pinas City, Metro Manila na patungo sana kay Nadzmer Muradjam ng Jolo, Sulu.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na may nasamsam na malaking halaga ng shabu sa Zamboanga International Airport kabilang na ang milyong halaga ng shabu na itinago naman sa mga karton ng gatas ilang buwan pa lamang ang nakakaraan.
The post Shabu sa karton ng kape naharang sa Zambo. Airport appeared first on Remate.