PATAY ang isang mag-ina sa naganap na sunog sa Barangay Brookside, Baguio City.
Kinilala ang mga biktima na si Sharon Sabado, 33, at kanyang special child na si Shaira.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Department (BFP)-Baguio, alas-3 ng hapon kanina nang nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na yari sa kahoy hanggang sa kumalat sa unang palapag.
Inaalam pa ang sanhi ng nasabing sunog.
The post Mag-ina patay sa sunog sa Baguio City appeared first on Remate.