MAY GO SIGNAL ni Pangulong Benigno Aquino III ang balak ng Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng private guards sa Kampo Crame.
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na bahagi ito ng ideya ni DILG Sec. Mar Roxas na i-reporma ang seguridad sa bansa at protektahan ang taumbayan.
“Iyong, specifically, [kung] natandaan mo nasabi na ito ni Pangulong Aquino noon. Remember, ang mga nagbabantay din sa Kampo ay mga pulis, e iyong mga pulis dapat nasa kalye. Ang mga pulis dapat naglalakad sa kalye for police visibility. That’s the reform that Secretary Mar Roxas wanted to put: Put the police out on the streets sa halip na nasa opisina lamang.
Aniya, may mga pulis aniya na ang ginagawa lamang ay clerical work na kung tutuusin ay nasa kalye ang mga ito.
Puwede naman aniyang mag-hire ang gobyerno ng mga taong gagawa ng tinatawag na clerical work.
Tiniyak naman ni Sec. Lacierda na susunod ang PNP sa nakabantay na private guard sa kanilang kampo. Gagalangin ng mga taga-PNP o pulis ang private guards.
Gayundin aniya ang gagawin ng private guards sa mga taga-PNP o pulis sa oras na magkaroon na sila ng duty sa kampo.
The post Sekyu sa mga kampo may basbas ni PNoy appeared first on Remate.