INAMBUS ng mga armadong kalalakihan ang isang konsehal at anak ng dating mayor ng Apayao town kaninang umaga, Enero 15.
Nagtamo ng limang tama ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Buenvenido Verzola III, incumbent Councilor ng Luna, Apayao at anak ng dating mayor sa nasabing lugar.
Ayon kay Police Supt. Davy Limmong, spokesperson ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR), naganap ang insidente alas-11:25 ng umaga sa national highway ng Luna, Apayao.
Hindi naman idinetalye pa ng pulisya kung paano napatay ang biktima pero tatlong anggulo ang tinitingnan na ngayon sa pagpaslang sa biktima at ito ay may kaugnayan sa karibal sa negosyo, personal na nakaalitan o dahil sa pulitika.
Sa ngayon, nangangapa pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek na sinasabing nakasakay sa motorsiklo at patungo sa probinsiya ng Cagayan.
The post Konsehal ng Apayao, tigbak sa ambus appeared first on Remate.